Planet Shake
You are watching the site as a guest to see everything that gets offered register for free or log in....or take a look around on the few things that you can see as a guest.....

Planet Shake

Discover Your World Here !
 
HomeHome  PortalPortal  GalleryGallery  FAQFAQ  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Jejemon: to be or not to be.

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
darknezz
Private First Class
Private First Class


Posts : 12
Points : 2859
Reputation : 0
Join date : 2009-02-18

PostSubject: Jejemon: to be or not to be.   Fri May 14, 2010 8:06 pm

Nakakita ka na ba ng taong nagtatype ng ganito: e0wh phF0u? "mUsZtAh nHa? jejejeje"

Kung nakakita ka na, malamang nabiktima ka na ng isang Jejemon.

Ano nga ba ang isang Jejemon?

Ang Jejemon:

1.) madalas na nakikita sa mga Social Networking sites kagaya ng Friendster at Facebook at madalas ring nakikitang nHaGtaTypFh nHaNgH gHaNit0. Mapapansin rin na gumagamit ang mga Jejemon ng AlTeRnaTiNg CaPitAlS.

[author's note: subukan mong magtype ng ganyan. Tignan natin kung hanggang saan ka tatagal.]

Ang mge Jejemon din ang dahilan kung bakit nababadtrip ang mga matatandang walang magawa sa mga kabataang madalas mag-text. Kadalasan kasing ginagamit ang Jejetyping sa pagtatype kapag nagtetext at dahil nga nagiiba ang spelling ng mga salita at kung anu-ano pa, kadalasan ding hindi naiintindihan ng kausap ang sinasabi ng Jejemon.

2.) Hindi lang mga Pilipino ang bumubuo sa populasyon ng mga Jejemon. Meron ding mga taga-ibang bansang nag-eenjoy sa pagtatype in the Jejemon way.

May mga kalaban din ang mga Jejemon. Ang tawag sa kanila ay mga Jejebusters. [A/N: seryoso.. pwera biro.. Jejebusters talaga ang tawag sa kanila. ]

Madalas na lumalabas na masama ang mga Jejebusters kasi sila lagi ang nagsisimula ng away. Kahit na masakit na sa ulo ng ibang member ng forum, di nila inaaway ang mga Jejemon dahil ayaw nilang lumabas na masama.

Sa kasalukuyan kong status makikita mo ang usapang ito.

Sinubukan namin ng dalawa ko pang kaibigang magusap nang parang mga Jejemon. Itatago ko na lang ang kanilang mga pangalan bilang "Heart" at "Bear"

Heart: haha.. "jejeje, kAmuzTah Nah poE kaYow?"
Bear: aeHaEha.. OhwKiEe lAngh naeManN bHEar..
Bear: wahaha.. jejemon na ba? : )
Ako: "eThOu pFhoU.. OwkEi LaNZhh...jejeje" ampowtek. XD
Heart: haHahahA. aYosZx! JejEmoN pLa TeaUh. XDDDDD
Bear: AhaeHa... 9aLin9h mowHh nAemaNn M9-jeje aHj! : )
Ako: PakHAaMaThayz MhOuNa AkHouW BagHou aKhOuW mAgNg JejEmoNhZ.. XD
Heart: nHakAkAtwAh nmAhn. saKeht sA uLowh mgIng jHejhEmowN. XD
Bear: ayoko na.. ang hirap.. xD ahahaha.. : )
Heart: haha. oo nga bear eeh. hirap mgtype XD
Ako: oU NgHa pFhou hAarThz EiH.. makagawa nga ng note. XD
Heart: cge heart GO! taz tag mo kme haha
Heart: ahaha.. : D oo nga. ^_^
Ako: XDD gege wHeiTz LhaN pHfOu. hahahaha

Seryoso ako sa pagsasabing kailangan mo ng training sa pagbabasa ng Jejemon language. Sinukuan namin ng mga kaibigan ko yan.

Merong apat na klase ng Jejemon.

Mild - eow pU..MxTa pu? jejeje

[eto ang klase ng Jejemon na naiintindihan pa ang salita at letters lang ang gamit.]

Moderate - eOw pFow,, Na M1Sz pfOu qTah! mWahXz!

[eto matindi. comma na ang gamit sa pwesto ng period at may 'H' na sa mga lugar na wala naman dapat. Subukang basahin ito verbally. Ganyan kahirap magtype nito.]

Severe - 3ow pfU!,...aN3u pfOW gW4 n3O? tX tX nUa lHarN sZa mEna GziNg pFa!

[mas matindi. Gumagamit na ng numero sa halip na letters at iba na rin ang pagkakabanggit sa mga salita.]

TERMINAL JEJENISM - "3Ow pf0U m3N4 p!p0L! nUa M1Xz k0 pF0u K30 nU4n z0bR4 wUaCk k30nG M3k A4Ng4Sz sXa b0SzX nu4 tuLad kW0

[Pinakamatindi. No explanation needed.]

xXx

Wala naman akong reklamo kung jejemon ka o hindi. Ang sakin lang, utang na loob, hindi lahat ng tao marunong magsalita ng lenggwahe ng planeta mo. Konting konsiderasyon lang.

Group message ka ng group message ng Jejetype hindi naman lahat sa grupo mo Bachelor of Arts in Jejetyping. Isipin mo na rin kung ano ang papasok sa isip ng ibang tao pag di nila naintindihan ang mensahe mo't buburahin lang nila ang text mo.

Imagine.

Ikaw: 2loN9 pFou!! nAxuXuNo9 uN9 hAuX aMen!,, pDeAlaH aMan pFouH kAy0U nG bOumBerOx!!
[Translation: Tulong po!! Nasusunog ung bahay namin!.. Padala naman po kayo ng bumbero!!]

Bumbero: WTF?! *bura ng message*

O diba. Abo na bahay niyo, wala pa ring dumadating na bumbero kasi di naintindihan ang text mo.

May tamang panahon para gamitin ang Jejetyping pero hindi ito pwedeng gamitin kung may mga Jejebusters na nakapaligid.

Kung ayaw mong mapaaway, magtype ka na lang nang maayos. Gamitin ang sarili mong wika! Hindi namatay sila Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pang mga bayani para lang gamitin mo ang Jejetyping imbis na wikang Filipino.

Imagine-in mo ulet pag sila ang nagpaka-Jejemon:

Ang title ng huling akda ni Rizal: mEih UltIMoiX aDioSxH.
Ang mga unang salita ng Lupang Hinirang: bAiAn9 mA9ieLiWh pUrlAsh n9 xIlan9aNaN..
Ang title ng sikat na likha ni Juan Luna: xPoWlaeRiUmH

Diba? The horrors.

Isipin mo na lang...

At dito nagtatapos ang munti kong akda. Hanggang sa susunod.

qUitA-qUitxH nHa lharN tAyou pFou~
Back to top Go down
View user profile
Admin
Admin
Admin


Posts : 163
Points : 13075
Reputation : 69
Join date : 2009-02-08
Age : 22
Location : Montalban Rizal (Philippines)

PostSubject: Re: Jejemon: to be or not to be.   Fri May 14, 2010 8:20 pm

haha aus... jejemon ka aa

jejeje

_________________
Back to top Go down
View user profile http://cursebox.tk
vinc3nt0506
Moderator
Moderator


Posts : 7
Points : 2417
Reputation : 0
Join date : 2010-05-14

PostSubject: Re: Jejemon: to be or not to be.   Fri May 14, 2010 10:31 pm

dami pla klase ng jejemon ee..
nyahahaha...
Back to top Go down
View user profile
jimzstone
Moderator
Moderator


Posts : 67
Points : 2885
Reputation : 2
Join date : 2009-02-19
Age : 25
Location : Laguna

Planet Shake
huo: 4

PostSubject: Re: Jejemon: to be or not to be.   Tue May 18, 2010 5:30 am

bulok jejemons!

_________________
Back to top Go down
View user profile http://www.friendster.com/12252675
ding20
2nd NCO
2nd NCO


Posts : 20
Points : 2868
Reputation : 0
Join date : 2009-02-15

PostSubject: Re: Jejemon: to be or not to be.   Tue May 18, 2010 6:35 am

ahaha yeah thats ryt jimzstone... dpat di na nabubuhay sa mundo yan
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: Jejemon: to be or not to be.   Today at 8:57 pm

Back to top Go down
 
Jejemon: to be or not to be.
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Planet Shake :: Let's Talk :: General Discussion-
Jump to:  
Free forum | © phpBB | Free forum support | Contact | Report an abuse | Free forum